|
||||||||
|
||
Mga militante at General Palparan muntik nang magpang-abot
HALOS nagpang-abot ang mga militante at si retiradong General Jovito Palparan, Jr. samantalang dinadala ang akusado sa Bulacan Provincial Jail sa Malolos, Bulacan kanina.
Nahaharap si General Palparan ng usaping serious illegal detention at kidnapping sa pagkawala nina Karen Empeño at Sheryl Cadapan sa Malolos Regional Trial Court Branch 14 sa ilalim ni Judge Teodora Gonzales.
Sa nakuhang pelikula ng ABS-CBN news, makikita ang mga militante na halos napakalapit na kay G. Palparan na binabantayan ng mga autoridad papasok sa piitan. Isa sa mga militante ang nagtangkang hambalusin ng kahoy ang retiradong heneral.
Ang hukuman na mismo ang nagpaabot ng plea of not guilty sapagkat tumanggi ang akusadong magpahayag ng anuman.
Nanindigan si Hukom Gonzales na madetine si Palparan sa Bulacan Provincial Jail. Nais ng retiradong heneral na manatili sa National Bureau of Investigation sapagkat nanganganib umano siya sa ibang pasilidad.
Kinilala si General Palparan bilang "berdugo" o mamamatay tao ng mga militante. Sinabi ng heneral na maraming mga komunista ang nagbabalak pumatay sa akanya kahit pa anong tanggi ng dating military na siya ang nasa likod ng mga pagdukot sa mga militante.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |