|
||||||||
|
||
Pagbabago sa Klima, nararapat bantayan
ANG pagmamatyag sa pagbabago sa klima ay mahalaga sapagkat nakataya sa paghahanda ng mga mamamayan ang kaseguruhan na magkakaroon ng sapat na pagkain.
Ito ang sinabi ni Dr. Leocadio Sebastian ng Climante Change, Agriculture and Food Security research program ng kalipunan ng mga dalubhasa mula sa CGIAR (Consultative Group on International Agricultural Research) at Future Earth sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag. Pinamumunuan ang kalipunan ng International Center for Tropical Agriculture at ng International Rice Research Institute sa Timog-Silangang Asiya.
Magkakasama ang mga siyentipiko sa climate change, agricultural science, development research at earth system science.
Idinagdag ni Dr. Sebastian na kailangang alamin at tugunan ang pinakamahahalagang programa at mga kaakibat na epekto ng pagbabago sa panahon, pagsasaka at seguridad ng pagkain. Pinagtutunan nila ng pansin ang mga nagaganap sa Indonesia, Cambodia at Laos.
Binabantayan nila ang epekto ng pagtatanim ng oil palm sa Indonesia sa pagkawala ng mga kagubatan. Pinag-aaralan din nila sa Pilipinas ang epekto ng pagtaas ng tubig mula sa karagatan upang mabawasan ang pinsala sa oras na magkaroon ng mga daluyong sa pagdaan ng malalakas na bagyo. Ito rin ang kanilang sinusuri sa Myanmar.
Tumaas na umano ng 1.4 degrees Centrigrade ang panahon sa nakalipas na isang daang taon at ang bawat pagtaas sa temperatura ng daigdig ay sinasabayan ng mga malalakas na pag-ulan na dahilan ng pagbaha, tagtuyot at pagkalalakas na pag-ulan at malawakan at mapaminsalang tagtuyot.
Isang malaking hamon sa mga dalubhasa kung paano mahaharap ang masasamang epekto ng pagbabago sa panahon sa pagsasaka at food security.
Kailangan din umanong maayos ang pagtugon ng mga susunod na saling-lahi sa pamamagitan ng climate change measures, pagsasanib ng climate change adaptation at mitigation measures sa pagrehiyon at pambansang larangan. Kailangan ding makiisa ang mga magsasaka at mga komunidad sa paggamit ng climate-smart technologies. Ang pagkakaroon ng matatag na sektor ng pagsasaka ang kailangan upang matiyak ang sapat na pagkain ng mga mamamayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |