|
||||||||
|
||
20140820meloreport.mp3
|
HINIRANG ng Malacanang si Solicitor General Francis H. Jardeleza bilang ika-173 Associate Justice ng Korte Suprema upang mabuo ang 15-kataong lupon.
Namuno si Justice Jardeleza ng Office of the Solicitor General ng higit sa dalawang taon matapos mahirang noong Pebrero, 2012. Naging deputy Ombudsman for Luzon si Justice Jardeleza.
Bago nakasama sa pamahalaan, naglingkod siya bilang Senior Vice President ang General Counsel ng San Miguel Corporation at kasama sa Roco Bunag, Kapunan, Migallos & Jardeleza and Jardelesa Sobreviñas, Dias Hayudini and Bodegon Law Offices. Dati siyang kasama sa Angara Abello Concepcion Regala and Cruz o ACCRALAW.
Salutatorian/cum laude graduate ng UP College of Law noong 1974 at pumangatlo sa bar exams noong taon ding iyon. Nagtamo ng Masters of Law mula sa Harvard Law School si Justice Jardeleza.
Si Justice Jardeleza ay isang professional lecturer sa Constitutional Law sa University of the Philippines College of Law at lecturer sa UP Law Center sa larangan ng Commercial Law at iba't ibang Mandatory Continuing Legal Education in Governance.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |