|
||||||||
|
||
Usapin ni Palparan, problema na rin ni Pangulong Aquino
SINABI ni dating Senador Joker Arroyo na isang dagdag na problema para kay Pangulong Aquino ang usapin ni General Jovito Palparan.
Sa isang pahayag, sinabi ng dating mambabatas at executive secretary ni Pangulong Corazon Aquino, na mayroong mga pagkakataon na ang pangulo ng bansa ay nawalan ng suporta mula sa mga militar.
Tinalikdan ng Armed Forces of the Philippines si Pangulong Ferdinand Marcos kaya't nagkaroon ng EdSA at nagtapos sa pag-alis ng mga Marcos patungong Hawaii. Nagpahayag na ng suporta ang mga kawal kay Palparan na nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention ng dalawang mag-aaral ng Pamantasan ng Pilipinas.
Ipinaliwanag pa ni G. Arroyo na ang militar at maihahambing sa isang fraternity na hindi tatalikod sa kabaro na kinikilalang kapatid at nanindigang walang kasalanan ang dating opisyal hanggang hindi napatutunayan ng hukuman.
Samantala, sinasabi ng mga biktima ng paglabag sa Karapatang Pangtao na hindi sila binibigyan ng puwang ng pamahalaan. Sa pagkakataong ito, lalabas at lalabas na problema pa rin ng pangulo.
Katunggali na ni Pangulong Aquino ang Korte Suprema dahilan sa Disbursement Acceleration Program. Mahirap ang tayo ni Pangulong Aquino, dagdag pa ng dating senador.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |