|
||||||||
|
||
Pamilyang Filipino, paksa ng pagpupulong sa Ateneo de Manila
MAGSASAMA-SAMA ang mga layko sa darating na ika-13 ng Setyembre sa Ateneo de Manila University upang talakayin ang papel ng mga kababaihan sa loob ng Simbahan at lipunan.
Pinamagatang "A Symposium on the Filipino Family: Catholic and Women's Perspectives," gagawin ito sa Leong Hall Auditorium mula ika-walo ng umaga hanggang katanghaliang tapat. Pinangangasiwaan ng Department of Theology ng Loyola School, layuning pag-aralan at suriin ang kalagayan ng kababaihan at payagang maglahad ng kanilang mga pananaw sa mga nagaganap sa lipunan ngayon.
Nakatakdang magbahagi ng kanilang mga ananaw sina Eleanor R. Dionisio sa paksang "Catholic Church in the Philippines: Some Perspectives on Gender and Public Policy on the Family", "Women, Family and the Church in a Changing Society: An Introduction to the Socio-Cultural issues" ni Dr. Mary Racelis at "Gender and Family Dynamics: Building Climate Resilience Among the Urban Poor" sa pamamagitan ni Dr. Emma Porio at "Gender Roles in the Context of Feminization of Migration: Challenge to Papal Teachings?" ni Dr. Agnes M. Brazal.
Magbabahagi rin ng kanyang mga pananaw si Fr. Ruben Tanseco, SJ
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |