|
||||||||
|
||
Panibagong survey, gagawin ng Department of Social Welfare and Development
TINIYAK ni Secretary Corazon Juliano Soliman na magkakaroon ng panibagong survey ang Department of Social Welfare and Development upang mabatid kung sino ang masasaklaw ng conditional cash transfer sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Sa isang panayam sa paglulunsad ng Fifth Progress Report sa Millennium Development Goals ng United Nations Development Program, sinabi ni Secretary Soliman na sisimulan ang pagppatala sa darating na Setyembre.
Ani Secretary Soliman, isang panibagong pagtatala ang kanilang gagawin sapagkat mayroong mga mahihirap na lumipat ng matitirhan dahilan sa trahedyang tumama sa kanilang mga pook tulad ng bagyong "Yolanda" noong nakalipas na ika-9 ng Nobyembre.
May inilalaang pondo para sa gagawing survey at nagkakahalaga ito ng P1.9 bilyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |