|
||||||||
|
||
Mambabatas, hiniling na palitan ang mga mahistrado sa HRET
HINILING ni Marinduque Congresswoman Regina Ongsiako Reyes sa Korte Suprema na palitan ang tatlong mahistradong kabilang sa House of Representatives Electoral Tribunal. Nahaharap si Congresswoman Reyes sa kasong disqualification sa tribuna.
Sa 23-pahinang petisyon na ipinarating ng mga abogado ng Roque and Butuyan Law Office, ipinagtatanong ng mambabatas ang pagkakabilang nina Associate Justices Presbitero Velasco, Lucas bersamin at Diosdado Peralta dahilan sa conflict of interest.
Ang HRET ay pinamumunuan ni Justice Velasco na dumirinig sa tatlong usaping nagtatanong sa pagkakaluklok ng mambabatas sa Kongreso. Kung pagbibigyan ng HRET ang alin sa mga petisyon, ang kalaban ni Congresswoman Reyes na anak ni Justice Velasco ang makikinabang. Lumamang si Reyes sa pagkakaroon ng botong 52,209 laban sa 48,311 na natamo ng nakababatang Velasco.
Ang bawat tribunal ay may siyam na kasapi, tatlo ang mga mahistrado ng Korte Suprema na hinirang ng Chief Justice samantalang ang anim ay mula sa Senado o Kongreso.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |