|
||||||||
|
||
"Think Tank," kailangan ng Pilipinas
KAILANGANG magkaroon ng "think tank" sa Pilipinas upang higit na maging matatag ang bansa, ang pamahalaan at mga mamamayan. Ito ang sinabi ni dating Senador Edgardo J. Angara, dating pangulo ng University of the Philippines at Integrated Bar of the Philippines sa pagsisimula ng roundtable discussion hinggil sa ekonomiya.
Sinabi ng dating mambabatas na kailangan ang think tank upang magkaroon ng sapat na impormasyon ang mga magpapanday ng batas. Isa sa mga kinakaharap na problema ng bansa ang kakulangan ng investments sa sektor ng edukasyon bagama't mayroong mga nakapagtapos ng pag-aaral subalit hindi naman makatagpo ng trabaho.
Idinagdag ni G. Angara na napakasakit umanong mabatid na maganda ang takbo ng ekonomiya sa Pilipinas subalit nananatiling mahirap ang mga nasa kanayunan at tanging ang mga bilyonaryo at milyonaryo ang nagkakamal ng bunga ng kaunlaran.
Mga dalubhasa mula sa World Bank ang nagbigay ng kanilang mga pagsusuri sa mahahalagang isyu ng lipunan tulad ng patuloy na paglaki ng agwat ng kita ng mayayaman at mahihirap.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |