Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Dalawampu't dalawa Sa Tindahan ng mga Damit

(GMT+08:00) 2014-08-25 15:44:07       CRI

蓝色的好还是黄色的好 能试试吗 能打折吗

Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa

Pero talagang mahirap para sa inyong magdesisyon kung alin ang bibilhin--iyong kulay asul o iyong kulay dilaw. Kaya humingi kayo ng payo sa mga iba pang kaibigan. "Alin sa tingin ninyo ang mas mabuti, iyong kulay asul o iyong kulay dilaw?" Sa wikang Tsino, ito ay:

蓝(lán)色(sè)的(de)好(hǎo)还(hái)是(shì)黄(huáng)色(sè)的(de)好(hǎo)?

蓝(lán), asul, 色(sè), kulay, 的(de), salitang auxiliary na tumutukoy sa uri ng bagay. 蓝(lán)色(sè)的(de),iyong kulay asul.

还(hái)是(shì), o.

黄(huáng), dilaw; 色(sè), kulay; 的(de), salitang auxiliary na tumutukoy sa uri ng bagay; 黄(huáng)色(sè)的(de), iyong kulay dilaw.

好(hǎo), mabuti.

Ngayon, kasiyahan natin ang ikatlong usapan.

A:蓝色(lán sè)的(de)好(hǎo)还是(hái shì)黄色(huáng sè)的(de)好(hǎo)?Alin sa tingin mo ang mas mabuti, iyong kulay asul o iyong kulay dilaw?

B:蓝色(lán sè)的(de)更(gèng)适合(shì hé)您(nín)。Sa tingin ko, mas bagay sa iyo iyong kulay asul.

Kadalasan, kapag napili na ninyo iyong talagang bagay sa inyo, naiisip ninyo kung puwede niyo itong isukat. Maari ko ba itong isukat? At ang wikang Tsino para rito ay:

能(néng)试(shì)试(shì)吗(ma)?

能(néng), maari o puwede.

试(shì)试(shì), isukat.

吗(ma), katagang patanong.

Narito ang ikaapat na usapan:

A:能(néng)试试(shì shì)吗(ma)? Maari ko ba itong isukat?

B:您(nín)穿(chuān)什么(shén me)号(hào)的(de)? Ano ba ang sukat ng damit ninyo?

A:中(zhōng)号(hào)的(de)。Katamtamang sukat.

Ipagpalagay natin na kontento na kayo sa isang ito. Gusto na ninyo itong bilihin. Gusto rin ninyong makahingi ng bawas. Puwede bang makahingi ng bawas?

能(néng)打(dǎ) 折(zhé)吗(ma)?

能(néng), maari o puwede.

打(dǎ) 折(zhé), humingi ng bawas.

吗(ma),katagang patanong.

Narito ang ikalimang usapan:

A:多少(duō shǎo)钱(qián)? Magkano ito?

B:九百八十(jiǔ bǎi bā shí)元(yuán)。980 Yuan.

A:太(tài)贵(guì)了(le)。能(néng)打(dǎ)折(zhé)吗(ma)?Masyadong mahal iyan. Puwede bang makahingi ng bawas?

B:可以(kě yǐ)打(dǎ)九(jiǔ)折(zhé)。Maari kang makakuha ng 10 porsiyentong bawas.

Ngayon, dumako na tayo sa Mga Tip ng Kulturang Tsino.

Ang pula ay isa sa mga iginagalang na kulay sa kulturang Tsino. Nilalangkap nito ang lahat ng mga pinagsusumikapang matamo ng mga mamamayang Tsino sa aspektong ispirituwal at materyal. Ito ay sumasagisag sa magandang kapalaran at kaligayahan na siyang dahilan kung kaya maraming pamilya ang nagsasabit ng pulang parol sa panahon ng Pistang Pantagsibol o Chinese New Year. Karamihan sa mga babaeng ikakasal ay nagsusuot ng pulang damit at pulang sapatos at nauupo sa pulang palanquin.

Ang pula ay sumasagisag din sa kaluwagan at tagumpay. Kung ang isang tao ay may magandang buhay, ito ay tinatawag na "走(zǒu)红(hóng)." Kung ang isang namamasukan ay gustung-gusto ng kanyang bisor, siya ay tinatawag na "红(hóng)人(rén)." Ang pagbabahaginan naman ng kita ng magkatuwang sa negosyo ay tinatawag na "分(fēn)红(hóng)."

Ang pula ay sumasagisag din sa kagandahan. Kung ang babae ay nakaayos, siya ay may tinatawag na "红(hóng)妆(zhuāng)" o pulang makeup. Ang "红(hóng)颜(yán)" naman ay tumutukoy sa magandang mukha ng isang babae.

Gayunman, sa mga kulturang Kanluranin, ang pula ay madalas na nagtataglay ng negatibong pahiwatig na may kinalaman sa apoy at dugo, at sumasagisag sa kalupitan. Ang mga halimbawa nito ay kinabibilangan ng "red rules of tooth and claw" o paghahari sa pamamagitan ng maramihang pagpatay at karahasan, at "red revenge" o madugong paghihiganti. Sumasagisag din ito sa panganib at tensiyon na gaya ng "red alert" na nangangahulugan ng alarma ng pananalakay sa himpapawid.

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino==>>


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>