|
||||||||
|
||
我想买一个小冰箱 哪种质量好
20140903Aralin23Day1.mp3
|
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa pagkakataong ito, gusto namin kayong dalhin sa isang department store para matutuhan ang ilang ekspresyon na magagamit sa pagbili ng ilang kasangkapan sa bahay na tulad ng repridyereytor.
Una,"Naghahanap ako ng maliit na repridyereytor." Sa wikang Tsino, ito ay:
我(wǒ)想(xiǎng)买(mǎi)一(yī)个(gè)小(xiǎo)冰(bīng)箱(xiāng).
我(wǒ), ako.
想(xiǎng), gusto.
买(mǎi), bumili.
一(yī), isa.
个(gè), isa sa mga salitang panukat na pinakamadalas na ginagamit.
一(yī)个(gè), isa.
小(xiǎo), maliit.
冰(bīng)箱(xiāng), repridyereytor.
YOK: Kung gusto ninyong malaman kung alin ang mahusay, maari kayong magtanong sa ganitong paraan: Aling klase ang mahusay ang kalidad.
哪(nǎ)种(zhǒng)质(zhì)量(liàng)好(hǎo)?
哪(nǎ), alin.
种(zhǒng), salitang panukat na tumutukoy sa uri o klase ng bagay.
哪(nǎ)种(zhǒng), aling klase.
质(zhì)量(liàng), kalidad.
好(hǎo), mahusay.
Narito ang unang usapan:
A:欢迎光临(huānyíngguānglín)。Tuloy kayo!
B:我(wǒ)想(xiǎng)买(mǎi)一(yī)个(gè)小(xiǎo)冰箱(bīngxiāng)。哪(nǎ)种(zhǒng)质量(zhìliàng)最好(zuìhǎo)?Naghahanap ako ng maliit na repridyereytor. Aling klase ang mahusay ang kalidad?
A:质(zhì)量(liàng)都(dōu)不(bú)错(cuò)。Lahat ng mga iyan ay mahusay ang kalidad.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |