Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wala ng ipadadalang kawal sa Golan Heights

(GMT+08:00) 2014-09-04 19:13:34       CRI

Pulis din ang pumaslang sa police officer

ILANG mga pulis ang itinuturong nasa likod ng pagpaslang kay Police Chief Inspector Roderick Medrano. Ito ang natanggap na balita mula kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng Philippine National Police.

Sa panayam, hindi muna ibinunyag ang kanilang mga pangalan. Si Medrano ay 41 taong gulang at pinuno ng operations section ng Quezon City Police Station 4.

Napaslang si Medrano sa isang ambush noong Lunes sa San Diego Drive sa Barangau Kaligayahan sa hangganan ng Fairview at Novaliches. Kasama niya at ihahatid sa paaralan ang dalawang anak na lalaki.

Naganap ang pagdakip sa mga suspect isang araw matapos bumuo ng isang koponan upang hanapin ang mga may kagagawan ng pananambang. Nasamsam sa mga pinaghihinalaan ang tatlong kalibre 45 pistol, isang M30 carbine, isang .38 revolver, isang granada at isang puting Toyota FX na walang plaka.

Wala umanong kilalang kaaway ang nasawing opisyal.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>