|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, hindi nakikinig sa kanyang mga "Boss"
SINABI ni Fr. Marlon Lacal, director ng Inter-congregational Theological School na hindi nakikinig sa Pangulong Benigno Simeon C. Aquino sa hinaing ng mga mamamayang kinikilala niyang mga "Boss."
Idinagdag pa ng pari na sumusunod si Pangulong Aquino sa mangilan-ngilang kaibigang gahaman sa poder. Sa kanyang nakikita, sabi ni Fr. Lacal, ang mga tunay na boss ni Pangulong Aquino ay ang kanyang mga grupo at hindi ang mga mamamayan.
Sa panayam, ipinaliwanag ni Fr. Lacal na mas makabubuti kung mababatid niya ang nagaganap sa kanayunan at sa mga pook na katatagpuan ng pinakamahihirap.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |