|
||||||||
|
||
Kagawaran ng Pagsasaka nakipagtulungan sa imbestigasyon
TANGGAP ng Kagawaran ng Pagsasaka ang pagtatapos ng imbestigasyon na isinagawa ng Kagawaran ng Katarungan sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng bawang noong Hunyo bilang pagtiyak sa taongbayan na tuloy ang kampanya para sa maayos na pamamalakad ng gobyerno na nagsusulong ng interes ng karamihan.
Sa isang pahayag, sinabi ng Kagawaran ng Pagsasaka na nakipagtulungan sila sa mga nagsiyasat at isa umano itong pagkakataon na mapalakas ang mga reporma na ipinatutupad ng Bureau of Plant Industry.
Hinihintay nila ang pagpapadala ng kopya ng official report mula sa tanggapan ni Kalihim de Lima. Tinitiyak nina Kalihim Proceso J. Alcala na hindi nila kokonsentihin ang maling gawi ng kanilang mga auhan na pinaniniwalaang nag mane-obra sa presyo ng bawang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |