|
||||||||
|
||
Bise Presidente Binay, idinawit sa misteryo ng birthday cakes
ISINABIT ng isang dating pinuno ng General Services Department at vice chairman ng bids and awards committee, isang nagngangalang Engr. Mario Hechanova, si dating Makati City Mayor at Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay, na nagpa-follow-up ng kabayaran sa cakes na ipinadadala sa senior citizens ng lungsod sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan.
Isinangkot din si Senador Nancy Binay sa sinasabing overpriced birthday cakes na dinadala sa senior citizens. Itinanggi ni Senador Binay ang bintang. Ani Engr. Hechanova na minsan ay ipinatawag siya at tinanong kung ano na ang nangyari sa kabayaran sa birthday cakes sapagkat ang salapi ay ibibigay sa kanyang anak na si Senador Nancy Binay.
Minsan umano'y hindi niya binayaran ang singil sapagkat walang lagda ang mga tumanggap ng birthday cakes.
Sa pagdinig sa Senado kanina, itinanong kay Hechanova kung naniniwala siyang si Senador Nancy Binay ang may-ari ng mga birthday cake, sinabi niyang naniniwala siya sapagkat mismong ang ama ang nagpa-follow-up.
Tumanggi naman si Senador Binay sa sumbong at hinamon ang saksi na maglabas ng prueba.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |