|
||||||||
|
||
Mga opisyal ng embahada, dumalaw sa mga Pinoy sa Ghana
NAGBIGAY ng preventive measures sa karamdamang dulot ng Ebola virus sa mga Filipino sa Ghana. Pinamunuan ni Ambassador Alex V. Lamadrid ang seminar sa Accra, ang kinalalagyan ng Philippine Honorary Consulate sa ilalim ni Consul Alex Quarmyne.
Sinabi ni Ambassador Lamadrid na mahalagang mabatid ang sintomas ng Ebola virus at umiwas na mahawahan ng karamdaman. Kailangang makipagtulungan sa Philippine Honorary Consulate sa pras na magkaroon ng anumang emerhensya.
Kailangan ding makipagbalitaan sa Assistance-To-Nationals officers sa Philippine Embassy. Wala pa namang mga Filipinosa Ghana na nagkaroon ng karamdaman.
Ipinaalala ni Ambassador Lamadrid sa mga OFW sa Accra na manatiling malinis at umiwas makipagkamay o kumain ng karne ng mga hayop na nadarakip sa kagubatan. Kailangan din silang umiwas sa matataong lugar at mag-ulat sa mga health authorities sa pook, dagdag pa ni Ambassador Lamadrid.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |