|
||||||||
|
||
Pahayag ng Malacanang, pinuna
ANG pahayag ng Malacanang sa pag-angat ng bansa sa rankings sa World Economic Forum ay nagpapakita lamang ng prayoridad sa kita ng mga nasa pribadong sektor sa halip na isulong ang kaunlaran ng lipunan at pag-asenso ng karamihan ng mga mamamayan.
Sa isang pahayag ng IBON Foundation, nakita na rin ang paggamit sa balita upang maibsan ang lumalaking public disapproval matapos hindi mai-angat ang kalagayan ng mga mamamayan.
Inilabas ng World Economic Forum ang Global Competitiveness Report na nagpapakitang umangat ang Pilipinas ng may pitong baiting upang matamo ang ika-52 puesto mula sa 140 bansa. Ayon sa IBON, makahulugan lamang ang ulat ng World Economic Forum para sa mga korporasyon, mga samahan at mga maituturing na think-tank. Natatamo lamang umano ang magandang ranking sa mga pagsusuri sa pamamagitan ng lobbying ng mga pamahalaan upang makagawa ng pagkakakitaang kalakal.
Idinagdag pa ng IBON na ang WEF ay binubuo ng mga korporasyon kaya't nauunawaan nila na ang Global Competitiveness Report ay nakabase sa pribadong kita. Hindi sinusuri ng WEF ang social at economic conditions ng mga mamayan sa mga bansang kasapi nila. Mali umanong isipin ng pamahalaang Aquino na kung ano ang mabuti sa kalakal ay mabuti rin sa mga mamamayan at sa ekonomiya.
Sa mga pahayag ng pamahalaan na maganda ang takbo ng ekonomiya ay higit na malalayo ang pangulo sa mga mamamayang patuloy sa paghihirap.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |