|
||||||||
|
||
Pilipinas, inaalam ang detalyes ng balita mula sa Syria
MAY ginagawang follow-up ang pamahalaan ng Pilipinas sa ulat na dalawang Filipino ang nasawi sa pakikipaglaban sa sandatahang lakas ng Syria.
Ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, mayroong panganib sa pambansang seguridad ang magmumula sa mga Filipinong lumalahok sa extremist groups sa ibang bansa.
Ang mga peligrong ito ay kinabibilangan ng paghahasik ng extremist ideas at terorismo ng mga Filipinong alyado ng mga grupong ito sa kanilang pag-uwi sa bansa.
Nagsimula na ang security at intelligence groups sa pananaliksik at pagbabantay sa posibleng pangangalap ng mas maraming mga kasama para sa ISIS at iba pang extremist groups sa Pilipinas.
Ito ang dahilan kaya't hindi na muna magpapahayag ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas. Inulit ng kagawaran ng kinokondena nila ang mga war crimes na gawa ng ISIS.
Bilang isang responsableng kasapi ng international community, nakikiisa ang Pilipinas sa buong daidgig sa paglaban sa terorismo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |