|
||||||||
|
||
Cardinal Tagle, mamumuno sa "Walk for Climate"
SI Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Cardinal Tagle ang mamumuno sa "Walk for Climate" sa darating na Biyernes, matapos ang Misa sa ganap na ika-anim at kalahati ng umaga sa Manila Cathedral. Ang "Walk for Climate" ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng Season of Creation sa nasasakupan ng Arkediyosesis ng Maynila na binubuo ng isang arkediyosesis at 11 mga kasamang diyosesis mula unang araw ng Setyembre hanggang sa ika-apat ng Oktubre.
Pakikiisa ito sa Global March for Climate na nananawagan para sa paghadlang sa masamang epekto ng pagbabago sa klima. May mga mensaheng dala para sa pamahalaan upang mapigilan ang masamang epekto sa patuloy na paggamit ng mga plantang pinatatakbo ng uling at pagpigil na rin sa mga reclamation, agricultural land conversion at pagmimina.
Titigil ang paglalakad sa Our Lady of the Pillar Church sa Sta. Cruz at magtutungo sa St. Vincent de Paul sa San Marcelino, San Fernando de Dilao sa Paco, St. Joseph the Worker sa Palanan, Santa Clara de Montefalco sa Pasay at magtatapos sa pambansang simbahan ng Ina ng Laging Saklolo o Baclaran Church.
Lalahok sa Misa ang mga pari at obispo ng ecclesiastical province at lalahok din sa paglalakag kasama ang mga kinatawan ng pamahalaan sa pamumuno ni Commissioner Yeb Sano.
Kasama sa Arkediyosesis ng Maynila ang Diyosesis ng Malolos, San Pablo, Imus, Antipolo, Novaliches, Cubao, Caloocan, Paranaque, Pasic at ang Apostolic Vicariates ng Puerto Princesa at Taytay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |