Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, dumating na sa Francia

(GMT+08:00) 2014-09-17 20:03:23       CRI

Pilipinas, pang-lima sa pinakamaraming mineral sa daigdig

KAILANGANG pakinabangan ang biyaya ng likas na yaman sa Pilipinas sapagkat ika-lima ang bansa sa pinakamaraming mamimina. Ito ang sinabi ni Vice President Jejomar C. Binay sa kanyang talumpati sa harap ng mga delegado ng Mining Philippines 2014 Conference kanina.

Ayon kay G. Binay, aabot sa P 73.47 trilyon ang halaga ng mamimina sa bansa kung pagsasamahin ang metallic at non-metallic mineral reserves. Kung ang budget ng pamahalaan sa taong 2015 ay aabot sa P 2 trilyon, higit na malaki ang magagawa kung magkakaroon ng mas maayos na kalakal sa minahan.

Idinagdag ng pangalawang pangulo na maraming kinakaharap na isyu ang industriya ng mina tulad ng environmental at social concerns. Posibleng maging daan ng kaunlaran ang pagmimina sa pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan. Sa pamamagitan ng responsible mining at angkop na teknolohiya, malaki ang posibilidad na magwagi ang bansa sa pag-aalaga sa kalikasan.

Kailangan din umanong magkaroon ng matatag na polisiya kahit pa magpalit ng administrasyon at partido politikal.

Umaasa si G. Binay na sa pamamagitan ng pag-unlad ng teknolohiya, maiibsan ang peligro sa kaligtasan ng mga minero at mamamayan at ng kapaligiran. Mas makabubuting ang papasok na maglalagak ng kapital ay may makabagong teknolohiya.

Binigyang-diin ng pangalawang pangulo na kailangan ang transparency upang matiyak ang maayos na pamamahala at magkaroon ng patas na pagbabahagi ng biyaya para sa madla.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>