Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, dumating na sa Francia

(GMT+08:00) 2014-09-17 20:03:23       CRI

Diyosesis ng Legazpi, handang tumulong sa mga lumikas

BIGAS INIHAHANDA NA. Makikita ang mga tauhan ng Philippine Army na tumutulong sa paghahanda ng relief goods sa Albay Province. Mayroong 10,000 mga inilikas mula sa mga nanganganib na pook sa paligid ng bulkang Mayon. (APSEMO Photo)

PAGKAING IPAMAMAHAGI SA MGA LUMIKAS, TIYAK NA. Handa ang Lalawigan ng Albay at Department of Social Welfare and Development sa pamamahagi ng bigas at iba pang kailangan ng mga lumikas. Makikita sa larawan ang mga kawal na nagbabalot ng bigas upang dalhin sa evacuation centers. (APSEMO Photo)

GOBERNADOR SALCEDA, NAKIPAGPULONG SA MGA KINATAWAN NG MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN. Pinamunuan ni Gobernador Jose Sarte Salceda (naka pulang t-shirt) ang pulong ng mga ahensyang may gagampanang papel sa paglilikas ng mga naninirahan sa paligid ng bulkang Mayon. (APSEMO Photo)

TINIYAK ni Fr. Rex Arjona, Social Action Center director ng Legazpi na handa ang kanilang tanggapang tumulong sa mga lumikas mula sa six-kilometer permanent danger zone at mga nasa pito hanggang walong kilometrong expanded danger zones matapos itaas sa Alert Level 3 ang bulkang Mayon kamakalawa ng gabi.

Sa isang panayam, sinabi ni Fr. Arjona na umiikot na ang kanilang mga tauhan sa mga evacuation center na kinalalagyan ng mga lumikas upang alamin kung ano ang kanilang kailangan. Walang nakikitang problema si Fr. Arjona kung pagkain ang pag-uusapan sapagkat handa ang pamahalaang lokal at Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay Fr. Arjona, nag-utos na si Bishop Joel Z. Baylon sa mga pari ng Diyosesis ng Legazpi na buhaying muli ang Harong Volunteers na binubuo ng mga pamilyang nagbubukas ng kanilang tahanan sa mga nagsilikas upang mabawasan ang maninirahan sa evacuation centers.

Bukas magpupulong ang mga pari mula sa mga parokyang pinagmulan ng evacuees upang alamin ang kanilang pangangailangan at kung anong hanapbuhay ang pakikinabangan samantalang na sa malubhang kalagayan ang bulkang Mayon.

Pag-uusapan din ang pagdalaw ng mga pari sa evacuation center upang magdaos ng misa at tumugon sa mga pangangailangang ispiritwal ng mga nagsilikas.

Ayon kay Secretary Corazon Juliano Soliman, umabot na sa 10,000 katao ang nailikas nina Gobernador Jose Sarte Salceda. May nakalaang bigas at non-food items para sa mga lumikas, dagdag pa ng kalihim.

Ibinalita naman ni Dr. Cedric Daep, ang pinuno ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, na iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na patuloy ang pagpaparamdam ng bulkang Mayon ng kakaibang kalagayan sa pamamagitan ng dumaraming pagyanig ng lupa, mas mataas na sulfur dioxide emission at ang patuloy na pamamaga ng bulkan.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>