|
||||||||
|
||
140926melo.mp3
|
Filipino, nahaharap sa habang-buhay ng pagkakabilanggo
ISANG Filipino at isang Americano ang napatunayang nagkasala ng pagbabalak na tumulong sa mga nagsasagawa ng jihad sa ibang bansa at pumatay ng mga kawal na Americano.
Isang jury ang nagsabing nagkasala sina Sohiel Omar Kabir, 36 na taong gulang, isang naturalized American citizen at Ralph de Leon, 25 taong gulang, sa pagtatapos na anim na linggong pagdinig. Naganap ang pagdinig samantalang pinamunuan ng Estados Unidos ang air strikes sa Syria at Iraq laban sa mga militanteng Islamic.
Sa pagdinig, nakita ang posibleng peligrong magmumula sa mga naninirahang extremists sa Estados Unidos.
Napatunayang nagkasala si De Leon sa pakikipagsabwatan na magbibigay ng material support sa al Qaeda, tumanggap ng military-type training mula sa grupo, pumatay, dumukot at maminsala sa ibang bansa.
Ayon sa balitang nakarating sa Pilipinas, sinabi ni Atty. Stephanie Yonekura na kitang-kita sa usapin ang appeal ng extremist ideologies mula Afghanistan hanggang America.
Naunang umamin sina Miguel Alejandro Santana Vidriales at Arifeen David Gojali. Naghihintay na lamang sila ng hatol ng hukuman.
Si de Leon ay nagtungo sa America noong 2003 at nag-aral ng Business Administration sa California State University sa San Bernardino ng may pitong taon subalit umatras o tumigilna sa pag-aaral noong 2012.
Nakilala sa mga pangalang Rafiq Abdul Raheem o Ya See, nag-convert sa Islam noong 2010. Madalas niyang makausap si Kabir sa pamamagitan ng internet. Nagpalitan sila ng mga pananaw sa extremist issues at jihad.
Lumahok siya sa Skype conversations at nag-ayos ng mga pulong sa iba pang mga terorista at naglagay ng mga pananaw na bayolente sa Facebook na nilahukan ng mga agente ng Federal Bureau of Investigation.
Nabanggit na rin ni De Leon sa isang FBI source na nais niya makasama sa pakikidigma sa ibang bansa at gumamit ng C-4 explosives sa pagsalakay. Si De Leon at mga kasama ay umaasang makatatanggap ng pabuya sapagkat magiging silang "Shaheed" sa wikang Arabo na nangangahulugan ng pagiging martir.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |