|
||||||||
|
||
Hospital arrest para kay Senador Enrile, pinagbigyan
PUMAYAG ang Sandiganbayan Third Division sa kahilingan ni Senador Juan Ponce-Enrile na pansamantalang manatili sa pagamutan sa ilalim ng hospital arrest.
Magugunitang nahaharap ang mambabatas sa diumano'y pagkakasangkot sa pork barrel fund scam.
Inilabas ng Sandiganbayan Third Division ang desisyon kanina at pinayagan ang 90 anyos na mambabatas na manatiling na sa Philippine National Police General Hospital sa loob ng Campo Crame sa Quezon City.
Ayon kay Clerk of Court Dennis Pulma, ang 16 na pahinang desisyon ang sumang-ayon sa kahilingan ng mambabatas na manatili sa pagamutan sanhi ng kanyang kalagayan. Mananatili siya sa pagamutan hanggang wala pang desisyon para sa kanyang kahilingang magpiyansa.
Ang mambabatas ay akusadong nagbulsa ng may P183 milyon sa rebates o commissions mula sa kanyang priority development assistance fund allocation sa pagpapadala nito sa mga palsipikadong non-government organizations na pinatatakbo ni Janet Lim-Napoles. Mananatili siya sa pagamutan hanggang sa maglabas ng bagong kautusan ang hukuman.
Mananatili siya sa pagamutan hanggang hindi pa nagbibigay ng assessment ang mga manggagamot na kaya na ng kalusugan ng mambabatas na mapiit sa Bureau of Jail Management and Penology facility o sa kautusan ng hukuman.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |