|
||||||||
|
||
Linggo pa ang bibilangin sa pagputok ng bulkan
MAGTATAGAL pa bago tuluyang sumabog ang Bulkang Mayon kahit pa lumalabas na ang mga sintomas nito patungo sa mas malalang kalagayan.
Sa isang briefing na ginawa ni Dr. Paul Alanis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Albay Public Safety and Emergency Office kanina, sinabi ni Dr. Alanis na matapos ang anim na araw na pananahimik nito ay unti-unti na namang tumataas ang aktibidad ng bulkan.
Magugunitang walang naitalang paglindol gawa ng bulkan subalit sa nakalipas na 24 na oras, napuna ang siyam na pagyanig ng lupa at anim na pagguho ng mga bato sa dalisdis ng magandang bulkan. Wala pang detalyes ang pinakahuling pagsusuri sa ibinubugang sulfur dioxide. Bagaman, mas mataas sa normal ang inilalabas nitong asupre.
Binanggit din sa briefing ni Dr. Alanis na patuloy ang pamamaga ng bulkan. Patuloy na umaakyat ang kumukulong putik sa bibig ng 2,462 metrong mala-salakot na bulkan.
Maihahambing sa 41 palapag na gusali ang lava dome na nasa bibig ng bulkan at may sugat na 500 libong kubiko tonelada ma maisasakay sa may 150,000 cargo trucks.
Itataas nila sa Alert Level 4 ang Bulkang Mayon sa oras na walang humpay na ang mga pagyanig mula sa ilalim ng lupa. Kabilang sa mga dumalo sa briefing si Albay Governor Jose Sarte Salceda.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |