Limang pagguho ng mga bato, napuna sa bulkang Mayon
NABATID ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang limang rockfall events sa nakalipas na 24 oras sa pamamagitan ng kanilang seismic network. Nagkaroon ng banayad na pagbuga ng puting usok patungo sa timog-kanluran at timog-silangan.
Sa briefing na ginawa sa Albay Public Safety and Emergency Management Office, ibinalita ng Phivolcs na umabot sa 387 tonelada ng sulfur dioxide ang naitala kahapon. Hindi nabanaag ang pamumula ng bibig ng bulkan kagabi. Patuloy pa ring namamaga ang bulkan mula noong Agosto hanggang sa pagsusuri ngayong Oktubre.
1 2 3 4 5 6 7 8