|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, magsasalita sa pagtitipon sa Indonesia
UMALIS si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III patungo sa Nusa Dua, sa Bali, Indonesia upang dumalo at magsalita sa Bali Democracy Forum bukas at upang tumanggap ng parangal mula sa pamahalaan ng Indonesia sa karamihan ng mga dugong bughaw mula sa ibang bansa.
Sa kanyang pagiging supling ng dalawang democracy icons ng Pilipinas at bilang pangulo, si G. Aquino ang makakasama bilang chairman sa dalawang araw na Bali Democracy forum na sinimulan ni Indonesian President Susilo Bambang Yudhoyona. Magtatalumpati siya sa harap ng mga kinatawan ng 51 bansa at may 68 international observers.
Nakatakda siyang dumating sa Nusa Dua, Bali sa ganap na ikawalo ng gabi isang araw bago simulant ang pagtitipon sa Bali International Convention Center bukas hanggang sa Sabado. Makakasama niya sina Kay Rala Xanana Gusmao ng Timor Leste at Sultan Haji Hassanal Bolkiah na kapwa magsasalita sa pulong.
Ito ang huling pulong na pamumunuan ni Yudhoyono bago manungkulan si pangulong Joko Widodo sa Nobyembre. Hindi umano dadalo ang mga kabilang sa civil society sa pagpupulong na ito.
Babalik siya (Pangulong Aquino) sa Maynila bukas ng gabi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |