|
||||||||
|
||
Food caravan, darating sa Albay
MAYROONG 540,000 food packs mula sa Department of Social Welfare and Development na tatagal ng may 90 araw ang ilalaan sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay Gobernador Jose Sarte Salceda, sumang-ayon si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa rekomendasyon ng Preparedness Cluster ng National Disaster Risk Reduction Management Council na magpadala ng kaukulang ayuda sa mga lumikas dala ng mga nagaganap sa bulkang Mayon.
Mayroong 54,000 food packs na dadalhin ng may 54 na truck ang darating sa Albay sa Linggo, ika-12 ng Oktubre. May taguring Zero Casualty and Good Governance Caravan ang misyong patungo sa Bicol. Naglaan din ang pamahalaamn mg P 30 milyon para sa 327 mga palikuran na pangangasiwaan ng Office of Civil Defense. Naglaan din ng P 42 milyon para sa operasyon ng Albay Public Safety and Emergency Management Office.
Nangako rin ang Department of Social Welfare and Development na magdadala ng 12,600 family kits samantalang maglalaan ng 12,600 na hygiene kits ang Department of Health.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |