|
||||||||
|
||
Pinakamataas na benta ng mga sasakyan sa 2014 natamo noong Setyembre
HALOS 21,000 mga sasakyan ang naipagbili noong nakalipas na buwan. Ayon sa pinagsanib na Marketing Committee ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association, nagkaroon ng 41.7% growth ang kanilang mga naipagbiling sasakyan kung ihahambing sa 14,764 na units noong Setyembre ng 2013. Naganap ang pangyayaring ito sapagkat nagkaroon ng mga bagong modelo at agresibong promotional support.
Tumaas ang benta ng kotseng pangpasahero at umabot sa 8,477 units na kinakitaan ng 65.1% increase sa nakalipas na taon. Ang commercial vehicle naman ay nagkaroon ng 12,447 units at lumago ng 29.3% sa pagkakaroon ng 2,819 units sa datos noong Setyembre ng 2013.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI, maraming dahilan upang sila'y magpasalamat sa pagtangkilik at pagtitiwala ng mga mamimili sa mga bagong produkto. Hindi matatawaran ang bentang natamo noong Setyembre na nagpapakita lamang nang lumalago at lumalaking kalakalan.
Kung ihahambing ang bilang ng mga sasakyang nabili mula noong unang araw ng 2014, pumalo na ito sa 169,727 units at nagkaroon ng 29.2% growth. Natamo ng Toyota Motor Philippines Corporation ang 45.2% ng mga naipagbiling sasakyan na lumago mula sa 42.8% noong 2013. Pangalawa ang Mitsubishi Motor Philippines Corporation na mayroong 21.9%, Ford Motor Philippines Corporation ang nasa ika-apat na puesto sa 5.7% share. Na sa ikalimang puesto ang Honda Cars Philippines, Inc. sa natamong 5.6% share.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |