|
||||||||
|
||
Kaunlaran sa ekonomiya, natamo
SINABI ni Socio-Economic Planning Secretary at NEDA Director General Arsenio M. Baliscan na patuloy na lumago ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Sa kanyang talumpati kahapon sa idinaos na Philippine Economic Briefing sa Tokyo, Japan, sinabi ni G. Balisacanan na umabot sa average na 2.9% ang paglago ng ekonomiya mula 1991 hanggang 2001 at umangat sa 4.8% mula 2001 hanggang 2010.
Subalit sa ilalim ng liderato ni Pangulong Aquino, nakamtan ang average na 6.3% na nagpapakita lamang na mayroong mas mataas at mas matatag na kaunlaran. Kahit pa nagkaroon ng serye ng mga trahedya na tumama sa huling tatlong buwan ng 2013, lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa 7.2% at mas malago sa 6.8% na nakamtan noong 2012.
Naganap ito, ayon kay Kalihim Balisacan, sa pagsigla ng manufacturing sa larangan ng supply side at pagpasok ng investments sa demand side. Layunin pa rin ng bansa na magkaroon ng mas maraming trabaho at mabawasan ang kahirapan.
Bumagsak ang poverty incidents ng may 3.0% percentage points sa 24.9% mula sa 27.9% noong nakalipas na taon. Nabawasan din ang bilang ng mga taong nasa malubhang kahirapan ng 2.7 percentage points at natamo ang 10.7% mula sa 13.4% noong 2013.
Kailangan ang ibayong pagpupunyagi upang higit na marami ang mai-angat mula sa kahirapan.
Idinagdag pa ni Kalihim Balisacan na tumaas ang labor participation rate ng may 0.5 percentage point samantalang bumaba ang unemployment rate sa 6.7% noong Hulyo ng taong 2014 mula sa 7.3% noong 2013. Sa likod nito, mayroon pa ring 2.8 milyong walang trabaho. Kailangan ding mapaunlad ang uri ng hanapbuhay samantalang bumaba ang enderemployment rate sa 18.3% mula sa 19.2 percent noong 2013.
Obligasyon ngayon ng pamahalaang mapanatili ang matatag na kaunlaran, magkaroon ng mas maraming investments at mapaunlad ang competitiveness at maisulong ang magandang pamamahala.
Layunin ng pamahalaan mabawasan ang unemployment rate mula sa 7.0% noong 2012 at matamo ang 6.6% sa 2016. Layunin pa ring mapaunlad ang uri ng hanapbuhay at makikita ito sa pagbabawas ng underemployment rate mula sa 20% at maging 17% sa 2016 dahilan sa industriya, agribusiness at services.
Pangarap ng pamahalaang mabawasan ang kahirapan at matamo ang 19% sa 2016 at mabawasan ang multi-dimensional poverty mula sa 28.2 noong 2008 at matamo ang 17% sa 2016, sa pagtatapos ng Aquino administration.
Hindi lamang sa kakulangan ng kita matatagpuan ang kahirapan kungdi sa kawalan ng pagkakataong makamtan ang maayos na uri ng buhay. Sa paggamit ng dalawang pamantayang ito, maipakikita ng administrasyong Aquino ang katapatan sa layuning makamtan ang kaunlaran sa ekonomiya upang pakinabangan ng nakararami at maranasan ng mahihirap ang magandang kabuhayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |