|
||||||||
|
||
Pambansang pagpupulong hinggil sa Ebola, gagawin bukas
MAGHAPON ang gugugulin ng mga manggagamot at iba pang mga dalubhasa bukas sa kanilang talakayan hinggil sa Ebola. Magsasalita si Dr. Julie Hall, ang kinatawan sa Pilipinas ng World Health Organization sa paksang "Ebola in Africa and its Implications on Global Health Security" at si Joy Rivaca-Camonade sa paksang "Ebola Situation on West Africa".
Sisimulan ni Kalihim Enrique T. Ona ng Kagawaran ng Kalusugan ang pagtitipon. Kabilang din sa mga paksa ang paraan upang malaman kung sino ang may karamdaman at kung paano ito maiparararing sa kinauukulan. Bibigyang pansin ang pagbabantay sa mga daungan at paliparan, pagbabantay at pagsusuri sa pamamagitan ng mga laboratory at paraan upang makaiwas sa karamdaman.
Tatalakayin din ang pagtutulungan ng iba't ibang ahensya. Sa ganap na ika-labing isa at kalahati ay magkakaroon ng press conference.
Dadalo ang mga kinatawan ng Kagarawan ng Ugnayang Panglabas, Paggawa at Hanapbuhay at Interyor at Pamahalaang Lokal. Kasama rin sa pag-uusap ang mga opisyal ng Philippine Medical Association, Philippine Nurses Association at maging ang Philippine Hospital Association.
Sa panig ng pribadong sektor, dadalo ang Airlines Operators Council, Rotary International, Philippine Business for Social Progress at mga kinawatan ng Media.
Idaraos ang pagtitipon sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas Avenue, sa Quezon City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |