|
||||||||
|
||
Inflation sa Pilipinas, umabot sa 4.4% noong Setyembre
IBINALITA ng National Economic and Development Authority na ang mabagal na pagtaas ng presyo ng pagkain, kuryente and gasolina ang nagpagaan ng inflation noong nakalipas na Setyembre kaya't nakarating sa 4.4%.
Ayon kay Deputy Director-General Emmanuel P. Esguerra, nagkaroon ng tinatawag na "moderate food inflation", mababang singil sa kuryente at ang pagbaba ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigan at lokal na pamilihan ang nakaambag sa mas mababang inflation period.
Sa kanilang pahayag na inilabas, sinabi ng NEDA na bumaba ang food inflation sa 7.4% noong Setyembre mula sa 8.3% noong Agosto. Mas mababa rin ang naging pagtaas ng presyo ng bigas mula 13.2% ay natamo ang 10.7%, mais ay 8.3% mula sa 9.1% at ang presyo ng gulay ay gumalaw mula sa 15.% ay bumaba sa 9.8%.
Ibinalita rin ang Dubai crude ay bumaba rin na siyang nagpababa sa halaga ng petrolyo sa Pilipinas noong Setyembre. Ang generation charge ng MERALCO ay tumaas lamang ng 0.4% noong Setyembre.
Idinagdag pa ni Deputy Director-General Esguerra na mas mababa ito kung ihahambing sa halos 12% taunang itinaas noong nakalipas na buwan. Bumaba rin ang generation at transmission charges kasabay na rin ng magandang output ng generation plants. Nabawasan din ang tinaguriang "for ced outages," dagdag pa ng opisyal.
Ang inflation rate ay nanatili sa 4.4% kung ihahambing sa nakalipas na Setyembre ng taong 2013 at napapaloob pa rin sa inflation target ng Development Budget Coordination Committee target na nasa pagitan ng 3.0 hanggang 5.0%.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |