|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kalihim de Lima, inatasan ang NBI na siyasatin ang mga kasama ni BP Binay
NAGDESISYON na si Kalihim Leila de Lima na atasan ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation na alamin ang detalyes ng mga akusasyon laban kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay, mga kabilang sa kanyang pamilya at mga sinasabing dummies at mga kasapakat.
Ginawa ni Kalihim de Lima ang pahayag ilang oras matapos makausap si dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado, Atty. Renato Bondal at Nicolas Enciso VI na sinasabing whistleblowers laban sa pangalawang pangulo sa Department of Justice kanina.
Ani Kalihim de Lima, bubuo ng isang koponan ang National Bureau of Investigation at nasimulan na ang pagbuo ng mga tauhan na makakasabay ng pagsisiyasat ng iba pang tanggapan ng pamahalaan. Tiniyak ni Kalihim de Lima na mga tapat sa trabaho ang mga NBI na makakasama sa koponan.
Sa oras na magkaroon na ng detalyes ang mga alegasyon, sa dami ng mga nabanggit sa mga pagdinig at mga pahayag, magdedesisyon si Kalihim de Lima kung alin sa mga alegasyon ang pagtutuunan ng pansin ng National Bureau of Investigation.
Tiyak umanong madaragdagan pa ang mga sumbong laban sa pangalawang panguo at kanyang mga kamag-anak.
Sa isang press conference, sinabi ni Kalihim de Lima na tanging si Pangulong Aquino lamang at ang Ombudsman ang makapagpaptigil sa kanyang ituloy ang imbestigasyon sa pamamagitan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |