Revilla, tumangging mayroon siyang 'di maipaliwanag na yaman
WALANG kabuluhan ang mga balitang lumabas na mayroon siyang 'di maipaliwanag na yaman tulad na ibinalita ng Anti-Money Laundering Council. Ito ang sinabi ni Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr. bilang pagtanggi sa akusasyong nagdeposito ng salapi ang mga kamag-anak niya sa iba't ibang bank accounts.
Malaki umano ang kanyang kinita sa pagiging artista sapagkat sa isang teleserye pa lamang ay kumita na siya ng P 40 milyon.
Ayon sa AMLC, nagdeposito ang senador at mga kamag-anak ng malaking halaga ng salapi mula Abril 6, 2006 hanggang Abril 29,2010. Ang mga deposito ay nagkakahalaga ng P 87.6 milyon sa iba't ibang bank accounts.
1 2 3 4 5 6 7 8