|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Sapat at patas na pagkakataon para sa edukasyon at kalusugan, kailangan
KAILANGANG magkaroon ng sapat na pagkakataong matamasa ng mahihirap ang edukasyon at kalusugan upang magkaroon ng higit na pagkakakitaan.
Ito ang pahayag ni Secretary Arsenio M. Balisacan sa kanyang pagharap sa talakayang pinamagatang Share Prosperity, Inequality, and Poverty in East Asia and Pacific sa World Bank Headquarters sa Washington, D.C.
Ipinaliwanag ni Kalihim Balisacan na dinaragdagan ng pamahalaan ang paggasta sa kalusugan at edukasyon kasabay ng conditional cash transfer. Sa pagkakaroon ng reporma, nagamit ang salapi at bahagi ng human capital at suporta na rin sa social protection programs, ayon sa kalihim.
Ang mga pagpasok ng pamahalaan sa mga palatuntunang magpapaunlad sa uwi ng regulatory structure ang nagbibigay ng oportunidad para sa ekonomiya ng bansa, lalo na sa nalalapit na ASEAN market integration sa 2015.
Nararapat din umanong sabayan ng bansa at pamahalaan ang nagbabagong labor market sa pagbabago ng teknolohiya na naging dahilan ng pagbabago sa mga kailangang kakayahan sa daigdig ng paggawa. Mangangailangan ito ng mas mabuting uri ng edukasyon at kakayahan para sa labor force.
Kasama sa talakayan sina Sri Mulyani Indrawati, Managing Director ng World Bank at sina Ravi Kanbur, Professor of Economics sa Cornell University, Homi Kharas, isang senior fellow at deputy director ng Global Economic and Development Program at Axel van Trotsenburg, ang Vice President ng East Asia and Pacific Region ng World Bank.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |