|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kalagayan ng mga manggagawang babae sa United Arab Emirates ihahayag
IBUBUNYAG ng Human Rights Watch sa darating na Huwebes, ika-23 ng Oktubre ang kalagayan ng mga sinamampalad na manggagawang Filipina sa mayamang bansa ng UAE.
Ibubunyag kung paano nagigipit ang mga Filipina sa ilalim ng kafala o visa sponsorship system ng kanilang mga amo at kung paano napapasapanganib ang mga kababaihan sapagkat hindi sila saklaw ng mga batas sa paggawa.
Mabubunyag ang mga hadlang upang makamtan ang mga karapatan ng mga manggagawa na kinabibilangan ng kawalan ng shelters, parusa sa mga lumalayas na manggagawa at kawalan ng katarungan.
May kinapanayam na 99 na manggagawang kababaihan, recruitment agents, employers at iba pang tao sa UAE at nabatid ang mga pang-aabuso sa mga kasambahay na karamiha'y mula sa Pilipinas. Kabilang sa mga ito ang pananamsam ng mga pasaporte, hindi pagbabayad ng sahod, kawalan ng pahinga, hindi pagpapalabas sa tinitirhan, mahaba at sobrang trabaho, hindi pagpapakain at panghahalay.
May mga pagkakataong kabibilangan ng human trafficking. Nakatakdang magsalita sina Rothna Begum isang mananaliksik mula sa Women's Rights Division ng Human Rights Watch, Ellene Sana, executive director ng Center for Migrant Advocacy at dalawang mga OFW na sina Marelie Brua at Marina Sarno.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |