|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bagong arsobispo ng San Fernando, Pampanga, itatalaga sa Lunes, ika-27 ng Oktubre
ITATALAGA bilang Arsobispo ng San Fernando de Pampanga si Arsobispo Florentino Galang lavarias sa darating na Lunes, ika-27 ng Oktubre.
Si Arsobispo Lavarias, 57 taong gulang, ay unang nahirang na Obispo ng Iba (Zambales), na isang suffragan ng San Fernando.
Tatagal ang seremonya na pamumunuan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Guiseppe Pinto ng may dalawang oras.
Hinirang ni Pope Francis si Bishop Lavarias noong ika-25 ng Hulyo. Mamumuno siya sa lalawigan na mayroong 3.3 milyong Katoliko. Siya ang pumalit kay Arsobispo Paciano B. Aniceto, na ngayo'y 77 taong gulang. Nagbitiw siya sa edad na 75.
Isinilang si Arsobispo Lavarias sa Barangay Sta. Ines, Mabalacat. Naordenan siya sa pagkapari noong ika-26 ng Setyembre, 1985. Noong Agosto 2004, nahirang siyang Obispo ng Iba.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |