|
||||||||
|
||
141105melo.mp3
|
SPECIAL CABINET MEETING IDINAOS. Pinamunuan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang isang pagpupulong ng gabinete upang mabatid ang pagpapatupad ng rehabilitation at recovery programs ng pamahalaan sa binagyong pook sa Kabisayaan. Makikita sa lawaran sina Executive Secretary Paguito Ochoa Jr. (kaliwa ni Pangulong Aquino) at iba pang opisyal ng pamahalaan. (Malacanang Photo)
Special Cabinet meeting idinaos
PINAMUNUAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang isang special cabinet meeting na kinatampukan ng pagdalo ni Vice President Jejomar C. Binay kanina hinggil sa pagpapatupad ng Comprehensive Recovery and Rehabilitation Plan sa Malacañang.
Sa isang statement, sinabi ni Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na tumatanggap na si Pangulong Aquino ng regular updates mula noong ika-31 ng Oktubre mula sa Office of the Presidential Assistant on Rehabilitation and Recovery.
Sa video na inilabas ng Malacanang, nakitang magkaharap sina Pangulong Aquino at Vice President Binay na pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
Naroon din sa pulong ang Department of Public Works and Highways, Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment at National Economic Development Authority.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |