Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Special Cabinet meeting idinaos

(GMT+08:00) 2014-11-06 17:54:15       CRI

Marami pa ring mahihirap sa mga nakaligtas sa bagyong "Yolanda"

LUMABAS sa pagsusuri ng IBON Foundation na walo sa bawat sampu sa mga nakaligtas sa bagyong "Yolanda" ang nabubuhay sa kitang wala pa sa halagang P 34 bawat araw. Hindi umano nakarating ang biyayang inaasahan ng mga biktima.

Tinataya ng IBON na apektado ng bagyo ang may 5.6 hanggang 6 na milyong manggagawa sa sektor ng pagsasaka, pangingisda, kalakal at mga sasakyan. Ang agricultural income sa mga apektadong pook ay tinatayang bumaba ng 50% hanggang 70% matapos tumama si Yolanda.

Magugunitang ang Eastern Visayas ay isa sa pinakamahirap na rehiyon sa Pilipinas bago pa man tumama ang bagyo.

Sa mga nagkatrabaho, isang survey na ginawa sa 1,094 na respondents sa anim na lalawigan sa silangang Kabisayaan ang nagpakita na walo sa bawat 10 pamilya ang kumikita ng wala pang P 5 libo sa bawat buwan. Karamihan sa mga respondents ang may pamilyang may lima o higit pang miyembro.

Naibalita ng pamahalaan na may 215,471 pamilya ang nabigyan ng livelihood support sa pamamagitan ng madaliang "Cash for Building Livelihood Assets". Nangangahulugan na may 780,000 pamilya ang walang livelihood support o umaasa sa kalat-kalat na ayuda ng non-government organizations at pribadong sektor.

Tinataya ang mga evacuees sa bilang na 918,621 pamilya samantalang ang bilang ng mga tahanang napinsala ay 1.2 milyon.

Idinagdag pa ng IBON na may 250,000 pamilya o 1.3 milyong katao ang walang katiyakan ang tinitirhan sapagkat nasa evacuation centers, tent cities, bunkhouses at mga taong nakapagtayo ng tahanan sa mga deklaradong "no-build" areas. Mayroon lamang 364 na tahanan ang naitayo sa Tanauan at Tacloban sa Leyte.

Naibalita ng IBON na nagawa na ng Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery na nakapagtayo na ng 213 classrooms mula sa target na 19,648, 27 sa target na 132 pamilihan, 64 kilometro mula sa target na 431 kilometrong farm-to-market at national roads, 3 sa 34 na tulay.

Hindi lamang umano mabagal ang pamahalaan sa kanilang pagtulong. Salat pa rin sa pagpapa-ayos ng mga napinsalang mga barangay.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>