![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Bulkang Mayon, saklaw pa rin ng Alert Level 3
WALA pa ring katiyakan kung kailan puputok ang bulkang Mayon kahit pa nakikita ang pamamaga nito kung ihahambing sa pagsusuring ginawa noong nakalipas na huling linggo ng Oktubre at sa baseline measurements mula noong 2010.
May pamamaga sa hilangang kanlurang bahagi ng bulkan mula noong Agosto 2014. Kasabay ito ng pag-akyat ng magma na may sukat na 107 metriko kubiko.
Iisang volcanic earthquake sa nakalipas na 24 na oras ang naitala na nangangahulugan ng mabagal na pagkilos ng kumukulong putik. Wala ring nakitang pagbabaga ng bibig ng bulkan at naglabas lamang ng 448 tonelada ng sulfur dioxide. Walang katiyakang mananatili ang payapang lagay ng bulkan sapagkat may posibilidad na magbago ito at mauwi sa isang violent eruption.
Saklaw pa rin ng Alert Level 3 ang bulkang Mayon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |