Inflation rate, bumaba
ANG mas mababang pagtaas sa presyo ng pagkain ang nagpababa sa inflation rate at umabot sa 4.3% noong nakalipas na Oktubre.
Ayon sa National Economic Development Authority, sa ikalawang sunod na buwan, ang presyo ng pagkain ay bumagal. Ang food inflation ay umabot sa 7.2% kung ihahambing sa nakalipas na taon noong Oktubre 2014 sa 7.8% na nakamtan noong Setyembre.
Sinabi ni Secretary Arsenio M. Balisacan, ang sapat na supply ng karne, isda at gulay sa pamilihan kaya't gumaan ang commodity prices na nagpababa sa price pressures.
Noong nakalipas na Setyembre 2014, naitala ang inflation sa 4.4% at mas mababa sa inflation rate noong Agosto na umabot sa 4.9%.
1 2 3 4 5