|
||||||||
|
||
141107melo.mp3
|
Pangulong Aquino, binalikan ang mga kritiko
PANGULONG AQUINO, NAGBIGAY NG MGA SERTIPIKO. Makikita sa larawan si Pangulong Aquino na nagbibigay ng sertipiko sa pabahay sa isa sa mga nakaligtas sa hagupit ng bagong "Yolanda" sa Guian, Eastern Samar samantalang nakamasid ang iba pang mga opisyal sa pamumuno ni Kalihim Dinky Soliman ng DSWD. Sa kanang larawan, makikita si Emilia Orgando sa kanyang bagong tahanan. (DSWD Photo)
PINASARINGAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mga bumabanat sa kanya at sa kanyang administrasyon sa kanyang talumpati sa kanyang pagdalaw sa Eastern Samar sa paggunita ng unang taon ng paghagupit ni "Yolanda" sa Central Philippines. Ginawa ni Pangulong Aquino ang talumpati sa Guian, Eastern Samar.
Napakahirap umanong magpakain ng 1.47 milyong mga pamilya na nawalan ng tahanan sa pagdaan ng pinakamalakas na bagyong tumama sa lupa. Ipinaliwanag pa ng pangulo na may dalawa pang problemang kinakaharap ang bansa, ang Zamboanga siege noong Setyembre at ang 7.2 magnitude na lindol na yumanig sa Bohol noong Oktubre.
Hindi umano biro ang dumalo sa mga pangangailangan ng mga nasalanta. Prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagkakaroon ng matagalang solusyon sa halip na patapal-tapal lamang sa bawat pagdaan ng bagyo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |