|
||||||||
|
||
Pamahalaang Hapones, tumulong din sa mga biktima ni "Yolanda"
NAKIISA ang Pamahalaang Hapones sa mga biktima ni "Yolanda" sa pamamgitan ng 3 batches ng Japan Disaster Relief Medical Team na naglingkod mula ika-15 ng Nobyembre hanggang ika-siyam ng Disyembre sa Samar at Leyte. Nakapaglingkod sila sa may 3,357 mga pasyente.
Tumulong din ang Japanese Self-Defense Forces sa kanilang Operation "Sangkay" na binubuo ng 1,180 mga opisyal at kawal sakay ng tatlong barko, apat na eroplano at anim na helicopter na nangasiwa ng medical support, epidemic prevention at paghahakot ng mga pagkain mula ika-15 ng Nobyembre hanggang ika-20 ng Disyembre.
Ang mga dalubhasa ng Japanese Coast Guard ang nag-alis ng langis sa Estancia, Panay. Nagsagawa naman ang mga dalubhasa ng Japan International Cooperation Agency ng post disaster damages and needs assessment.
Nagkaroon sila ng Emergency Grant Aid na US$ 30 milyon sa pamamagitan ng pagkain, tubig at kagamitan sa paglilinis, emergency shelter, health programs at paglilinis ng kapaligiran. Idinaan nila ang salapi sa International Committee of the Red Cross, International Organization for Migration, United Nations Development Progra at iba pang mga samahan.
Mayroon din silang US$ 600 libo para sa Emergency Relief Goods para sa pangbubong sa mga tahanan, tulugan at iba pang mga kagamitan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |