Pangalawang Pangulong Binay, nanawagang dalhin na ang mga dokumento sa Ombudsman
SANGAYON ang kampo ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa pananaw ni Senador Miriam Defensor Santiago na nararapat na tapusin na ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee na dalhin na ang lahat ng naipong ebidensya sa Ombudsman hinggil sa Makati City hall building.
Ayon kay Gov. Jonvic Remulla, tagapagsalita ni Pangalawang Pangulong Binay, mas makabubuting gamitin na lamang ang oras ng senado sa pagpapanday ng batas.
Kahapon, sinabi ni Senadora Santiago na nakaipon na ng sapat na ebidensya laban sa pangalawang pangulo at kailangang tapusin na ang pagdinig at ibigay na ang mga ito sa Ombdusman.
Kabilang sa mga ebidensya ang panayam kay G. Binay ni Raissa Robles hinggil sa mga ari-arian sa Batangas at iba pa.
1 2 3 4 5 6