|
||||||||
|
||
请问, 邮局在哪儿 我要寄包裹
20141126Aralin33Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Karamihan sa mga tao ngayon ay nakikipagtalastasan sa pamamagitan ng e-mail, pero, kung minsan, kailangan pa rin nating magpunta sa tanggapan ng koreo para sa iba pang bagay-bagay. Diyan iinog ang ating pag-aaral sa araling ito. Kung gusto ninyong magtungo sa tanggapan ng koreo, maari ninyong tanungin ang kinaroroonan nito sa ganitong paraan: Mawalang-galang na, nasaan ang pos opis?
请(qǐng)问(wèn), 邮(yóu)局(jú)在(zài)哪(nǎ)儿(ér)
请(qǐng), paki; 问(wèn), magtanong; 请(qǐng)问(wèn), mawalang-galang na.
邮(yóu)局(jú), tanggapan ng koreo/ pos opis.
在(zài), pang-ukol na nangangahulugang sa.
哪(nǎ)儿(ér), saan, nasaan.
Narito ang unang usapan:
A: 请问(qǐngwèn),邮局(yóujú)在(zài)哪(nǎ)? Mawalang-galang na. Maari bang malaman kung nasaan ang pos opis?
B: 就(jiù)在(zài)前面(qiánmian)拐角(guǎijiǎo)处(chù)。Doon lang sa susunod na kanto.
Sabihin nating gusto ninyong magpadala ng isang parsela. Maaari ninyong sabihin ang ganito: Gusto kong magpadala ng package.
我(wǒ)要(yào)寄(jì)包(bāo)裹(guǒ).
我(wǒ), ako.
要(yào), kailangan o gusto.
寄(jì), magpadala sa koreo o mag-meyl.
包(bāo)裹(guǒ), parsela, pakete.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 我(wǒ)要(yào)寄(jì)包裹(bāoguǒ)。Gusto kong magpadala ng parsela.
B: 寄(jì)到(dào)哪(nǎ)? Saan mo gustong ipadala ito?
A: 寄(jì)到(dào)香港(xiānggǎng)。Sa Hong Kong.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |