|
||||||||
|
||
我要取包裹 我要买几张明信片
20141126Aralin33Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Kung, halimbawa naman, kayo ang pinadalhan ng parsela at gusto ninyo itong kunin, maari ninyong sabihing: Gusto kong kunin iyong padala.
我(wǒ)要(yào)取(qǔ)包(bāo)裹(guǒ).
我(wǒ), ako.
要(yào), kailangan o gusto.
取(qǔ), kunin.
包(bāo)裹(guǒ), parsela, pakete.
Gusto kong kunin iyong padala.
Narito ang ikatlong usapan:
A: 我(wǒ)要(yào)取(qǔ)包裹(bāoguǒ)。Gusto kong kunin iyong padala.
B: 请(qǐng)给(gěi)我(wǒ)看(kàn)一下(yíxià)你(nǐ)的(de)包裹单(bāoguǒdān)和(hé)护照(hùzhào)。Kailangan ko pong makita iyong resibo at ang inyong pasaporte.
Ipagpalagay natin na gusto ninyong bumili ng mga poskard para ipadala sa mga kaibigan. Puwede ninyong sabihin ang ganitong paraan: Gusto kong bumili ng ilang poskard para ipadala sa mga kaibigan.
我(wǒ)要(yào)买(mǎi)几(jǐ)张(zhāng)明(míng)信(xìn)片(piàn)寄(jì)给(gěi)朋(péng)友(yǒu).
我(wǒ), ako.
要(yào), kailangan o gusto.
买(mǎi), bumili.
几(jǐ), ilan; 张(zhāng), salitang panukat para sa papel, pinta, mga tiket at iba pang gaya ng mga ito; 几(jǐ)张(zhāng), ilan.
明(míng)信(xìn)片(piàn), poskard.
寄(jì), ipadala sa koreo. 给(gěi), katagang ginagamit kasunod ng pandiwa para ipakita ang tumatanggap sa aksyon. 寄(jì)给(gěi), ipadala sa.
朋(péng)友(yǒu), kaibigan.
Kasiyahan natin ang huling usapan:
A: 我(wǒ)要(yào)买(mǎi)几(jǐ)张(zhāng)明信片(míngxìnpiàn)寄(jì)给(gěi)朋友(péngyǒu)。Gusto kong bumili ng ilang poskard para ipadala sa mga kaibigan.
B: 印(yìn)有(yǒu)长城(chángchéng)和(hé)故宫(gùgōng)的(de)很(hěn)合适(héshì)。Itong mga poskard na may larawan ng Great Wall at Forbidden City ay napakagaganda.
YOK: Okey, balik-aralin muna natin ang mga natutuhan natin sa leksyong ito.
Una….pangalawa…pangatlo…pang-apat…
XJ: Oras na para sa Mga Tip ng Kulturang Tsino.
YOK: Sa Tsina, ang pos opis o tanggapan ng koreo ay hindi lamang para sa paghahatid ng sulat at pakete o para sa pagbili ng mga poskard o selyo, kundi para rin sa pagbabayad ng mga tao ng kanilang bayarin sa telepono, pagbubukas ng savings accounts at pagtanggap ng iba pang personal na serbisyo na may kinalaman sa pag-iimpok. Pagkaraan ng ilang taong pag-unlad, ang postal savings ay naging isa nang mahalagang bahagi ng pamilihang pinansiyal ng Tsina sa pagtitingi.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website o email
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino==>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |