|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, lumisan patungong South Korea
UMALIS si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III patungong South Korea kanina para sa dalawang araw na Association of Southeast Asian Nations-Republic of Korea commemorative summit.
Unang lumabas ang balitang may karamdaman ang pangulo, subalit umalis din siya upang makaharap ang iba pang mga pinuno ng ASEAN at si South Korean President Park Geun-hye.
Ayon kay Pangulong Aquino, sa kanyang talumpati sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2, isang magandang pagkakataon ito upang mapayabong ang relasyong namamagitan sa Pilipinas at South Korea.
Sumakay ang pangulo at mga kasama sa isang arkiladong Philippine Air Lines Flight patungo sa Busan, South Korea kaninang ika-siyam ng umaga. Kasama niya sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Finance Secretary Cesar Purisima, Trade Secretary Gregory Domingo, Communications Secretary Herminio Coloma at Cabinet Secretary Rene Almendras.
Ito ang huling paglalakbay ng pangulo ngayong taong ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |