Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Congressman Belmonte, nakaligtas sa ambush sa Misamis Oriental

(GMT+08:00) 2014-12-11 18:44:39       CRI

Katarungan, hiling ng mga kliyente ng Public Attorney's Office

KASAMBAHAY NA PINASAKITAN NG AMO, NAIS MAKAMTAN ANG KATARUNGAN.  Humarap sa mga mamamahayag si Bonita Baran (may mikropono), ang kasambahay na diumano'y binugbog, pinasakitan at hindi pinayagang makaalis ng bahay sa Quezon City at humihingi ng katarungan.  Katabi niya si Atty. Persida Rueda-Acosta ng Public Attorney's Office sa isang pagtitipon kanina.  (Melo M. Acuna)

HUMIHINGI ng katarungan ang mga tinutulungang indibiduwal at grupo ng Public Attorney's Office na nagsama-sama sa isang restaurant sa Maynila kanina.

Ang Public Attorney's Office ang sangay ng pamahalaang naglilingkod sa mga taong walang kakayahang kumuha ng pribadong abogado sa kanilang mga usapin. Isa ito sa mga ahensya sa ilalim ng Kagawaran ng Katarungan.

Humarap sa media ang mga naulila ng lumubog ng barko ng Sulpicio Lines na MV Princess of the the Stars sa Romblon sa kasagsagan ng bagyo noong ika-21 ng Hunyo 2008.

Nagpapatuloy ang mga paglilitis sa mga hukuman sa Maynila at Cebu sa nakalipas na anim na taon. Nakapaghandog na ang Public Attorney's Office ng pitong expert witnesses sa Manila Regional Trial Court Branch 49 at 33 sa mga naulilang kamag-anak. May walong expert witnesses na rin na naitampok sa pagdinig sa Cebu City Regional Trial Court Cebu City at 12 sa mga kamag-anak ng mga nasawi.

Mayroon pa ring usaping nakabimbin sa Manila City Regional Trial Court Branch 5 at nakapagtampok na ang Public Attorney's Office ng tawlong saksi. Sinabi ni Chief Public Attorney Perside V. Rueda-Acosta na magandang pangitain ang nagaganap sapagkat tuloy pa rin ang pag-ikot ng gulong ng katarungan.

Samantala, sinabi ni Dr. Erwin Erfe, ang forensic consultant ng Public Attorney's Office na naniniwala silang mayroon pang mga 400 labi na nasa ilalim pa ng barko.

Wala silang katulong sa recovery operations maliban sa apat o limang tauhan ng Philippine Coast Guard. Isang problema pa ng Public Attorney's Office ang hindi paglilipat ng mga forensic records na ibinigay ng mga kamag-anak ng mga nasawi at nawawala sa National Bureau of Investigation kahit pa mayroong kautusan ang hukuman sa Cebu City.

Hindi maipaliwanag kung bakit nakapagretiro ang medico-legal officer ng NBI ng hindi sumusunod sa lehitimong kautusan ng korte.

Umiiyak namang nanawagan si Bonita Baran, ang domestic helper na pinasakitan umano ng kanyang mga amo sa Quezon City. Humarap sa media si Bb. Baran na nagsabing hindi na siya makakita sapagkat apektado ng pananakit ng kanyang amo ang kanyang mga mata. Tuloy ang paglilitis sa ksong Serious Illegal Detention laban sa kanyang mga amo.

Haharap sa cross examination si Bb. Baran sa darating na ika-16 ng Pebrero sa Quezon City Regional Trial Court Branch 77 samantalang tuloy ang cross examination kay Bb. Baran sa kasong Serious Physical Injuries at Attempted Homicide sa darating na Lunes, ika-15 ng Disyembre. Nakakulong ang among babae ni Bb. Baran samantalang nakapagpiyansa ang kanyang among lalaki.

Umaasa naman ang mga kamag-anak ng dalawang bible preachers na hinalay at pinatay ng sinasabing dalawang pulis sa Balete, Batangas. Unang inilabas na balita ng mga pulis na nabangga ng tricycle ang dalawang nasawi.

Sa pagsusuri ng medico-legal/forensic team ng Public Attorney's Office, nabatid na hinalay ang dalawang biktima at inihampas ang ulo sa pader hanggang sa mamatay.

Ang dalawang pulis na akusado ay kasalukuyang nakabimbin sa piitan samantalang nililitis ang usapin.

Sa kaso ni Cadet First Class Aldrin Jeff P. Cudia na pinatalsik sa Philippine Military Academy, nanawagan ang kanyang mga magulang na sina Renato at Filipina Cudia sa Korte Suprema na desisyunan kaagad ang usaping kanilang inihain sa hukuman upang makamtan na ang katarungang nawala sa kanilang supling.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>