|
||||||||
|
||
141210melo.mp3
|
Labing-isa ang nasawi sa pagsabog ng isang pampasaherong bus
PATULOY ang pagsisiyasat ng pulisya at sandatahang lakas sa naganap na pagsabog sa isang pampasaherong bus na ikinasawi ng labing-isa katao at ikinasugat ng 31 iba pa. Sumabog ang Rural Transit Bus na mula sa Wao, Lanao del Sur.
Ayon kay General Gregorio Pio Catapang, Jr., chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, nakalulungkot ang pangyayari at hindi titigil ang kanilang tanggapan sa pagsisiyasat upang mapanagot ang mga may kagagawan. Makikipagtulungan din sila sa pagpapanatili ng mga pasahero.
Inutusan na ni Major General Oscar Lactao ng 4th Infantry Division si 403rd Brigade Commander Col. Jesse Alvarez na magtungo sa pook upang tumulong sa pulisya sa pagsisiyasat.
Nangako si General Catapang na hindi kailanman mapahihintulutan ang paghahari ng terorismo at walang katuturang kaguluhan laban sa mga mamamayan.
Sumabog ang bus samantalang malapit sa Central Mindanao University. Karamihan sa mga nasawi ay mga mag-aaral na kinilalang sina Kim Valiente ng Malaybalay City, Anita Santillan, 54 na taong gulang na taga Maramag, Bukidnon, Catherin Villahermosa, Johnrey Valdesco, John Bernard Cuhanap, Jonathan Balida, Marielle Achacoso, 17 ng Kalasungay, Malaybalay City, Niezel Dee Gonzaga, 22 taong gulang ng Hagkol, Valencia City, isang Michael Buctos ng Purok 5 South Poblacion at isang 'di pa nakikilalang pasahero.
Isinugod sa pagamutan ang 32 iba pang mga sugatan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |