|
||||||||
|
||
UNICEF at WHO, suportado ang pagbabawal sa mga gatas para sa mga sanggol
DR. JULIE HALL NG WHO, NANAWAGANG PAHALAGAHAN ANG PAGPAPASUSO. Sa panahon ng trahedya, mas makabubuting magpasuso ang mga ina sa halip na gumamit ng infant formula sapagkat 'di tiyak ang kaligtasan ng tubig at kapaligiran. (File Photo/Melo M. Acuna)
NAALARMA ang Kagawaran ng Kalusugan, ang United Nations Children's Fund at World Health Organization sa malaking posibilidad nan a may magdala at magbiday ng milk formula at breast milk substitutes sa mga binagyong pook.
Ayon kay Dr. Julie Hall, kinatawan ng World Health Organization sa Pilipinas suportado nila ang pagpapasuso sa mga sanggol at isa ito sa nararapat na prayoridad upang maipagtanggol ang mga batang musmos.
Mapanganib umano ang pamamahagi ng infant forumula sapagkat walang katiyakan kung malinis ang tubig at kapaligiran na karaniwang nagaganap sa panahon ng trahedya.
Ipinaliwanag pa ni Dr. Hall na kahit mas mahina ang bagyong "Ruby" kaysa tumamang bagyong "Yolanda" noong nakalipas na taon, matindi pa rin ang dagok nito sa mga biktima. Sa pagkakaroon ng baha at pagkapinsala ng mga klinika at pagamutan at maraming evacuation center, may mga peligrong nararapat daluhan sa mga susunod na linggo.
Suportado ng WHO ang SPEED, isang mobile-based disease monitoring and reporting system sa mga apektadong pook. Marami umanong mga biktima ang nagpapagamot sa kanilang acute respiratory infections, diarrhea at mga naimpkesyong sugat.
Ipinaliwanag ni Dr. Meagan Counahan na sa pagkakaroon ng masinop na pagbabantay, madaling mababatid ang mga karamdaman at mapipigilan ang pagkalat nito. Binabantayan nila ang pagkalat ng diarrhea sapagkat sa pagbaha, nagkakaroon ng water-borne diseases.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |