Mga mamamahayag at tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, magpupulong
SA unang pagkakataon, haharap si Ms. Li Lingxiao, tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, sa mga mamamahayag na Filipino sa isang hapunan sa Garcia-Villa-Balagtas-Balmori function rooms ng Manila Peninsula Hotel.
Ayon sa paanyaya ng Embahada ng Tsina, ang hapunan ay bilang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon na bahagi ng Kulturang Filipino. Magsisimula ang pagtitipon ngayon sa ganap na ika-anim at kalahati ng gabi.
1 2 3 4 5