|
||||||||
|
||
NAKALIGTAS subalit sugatan si Congressman Vicente Belmonte, Jr. matapos tambangan kanina.
Sa isang pahayag ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police, naganap ang pananambang kaninang 1:45 ng hapon sa Laguindingan, Misamis Oriental matapos paulanan ng bala ang sasakyan ng mambabatas na mula sa Lone District ng Iligan City.
Naganap ang pananambang sa poblacion ng Laguindingan. Tatlo sa kanyang mga kasamaang nasugatan. Dinala rin sa pagamutan ang mambabatas upang magamot. Dalawa sa kanyang mga kasama, sina PO3 Marcos Agtina Andres at isang Yogong ang namatay.
Sa balitang lumabas sa media, sinabi na sugatan ang mambabatas. Nakapanayam si Congressman Belmonte ng isang himpilan ng telebisyon at nagsabing kararating pa lamang mula sa Maynila at mga hindi kilalang kalalakihan ang humarang sa kanyang convoy at pinaputukan na lamang sila.
Apat ang sinasabing nasawi, dalawang pulis at dalawang tsuper. Tatlong iba pa, kabilang ang mambabatas, ang nasugatan. Malaki umano ang posibilidad na may koneksyon sa politika ang pagtatangka sa kanyang buhay.
Isinugod ang mga sugatan sa isang pagamutan sa Alubijid, Misamis Oriental.
Sa panig ni National Bureau of Investigation regional director Ricardo Diaz, patuloy ang kanilang pagsisiyasat.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |